Ipinadala Siya sa Kalawakan ng Kaniyang Magulang Upang Siya ay Patahimikin | anime recap tagalog

Anime News


Ipinadala sila ng kanilang mga magulang sa isang space wormhole upang mawala sila sa kanilang landas. Si Kanata ay pinalaki ng kanyang istriktong at hindi mapagmahal na ama. Isang itong dating professional athlete na puspusang nag-training sa kanyang anak upang sundan ang kanyang yapak. Nabago ang buhay ni Kanata nang makilala niya ang bagong guro na nagpakita sa kanya ng mundo sa labas ng palakasan. Ang guro na may busilak na puso at matibay na suporta ay nagbigay ng motibasyon kay Kanata upang maglakbay sa kalawakan. Sa wakas, naramdaman ni Kanata na buhay at totoo siya sa kanyang sarili. Kasama ng kanyang apat na kaklase, sumama sila sa kanilang guro sa isang camping trip. Habang umaakyat sila sa bundok, nagdilim ang kalangitan at nagdulot ng malakas na bagyo. Biglang nagkaroon ng landslide at nagdulot ng pagkadulas ng isa sa mga estudyante at malapit nang mahulog sa gilid ng bangin.

Ang kanilang guro ay dali daling tumulong at iniligtass ang estudyante, ngunit hindi sinasadyang, nawalan siya ng balanse at nagsimulang mahulog. Sa desperasyon na maisalba ito, pinilit abutin ni Kanata, ngunit siya ay isang bata pa lamang at mahina pa. Habang nakabitin sa gilid ng bangin ang guro, nagamit pa niya ang huling lakas upang magbigay ng payo kay Kanata na magpapabago sa kanyang buhay. Kapag tila wala nang pag-asa, kailangan nyang magpakatatag. Dahil sa kanyang matibay na determinasyon, sya ang ginawang lider ng kanyang mga kaibigan sa loob ng pitong araw, dahil sa kanyang hangaring protektahan sila hanggang makahanap sila ng tulong. Maraming taon ang lumipas, at nakita ni Kanata ang sarili na siya ay bahagi ng Team B-5. Isang grupo ng mga mag-aaral na napili nang random na sasali sa isang space school camping trip sa ibang planeta. Matapos ng apat na oras na biyahe, nakarating na sila sa kanilang destinasyon na planeta na tinatawag na Macpa.

Si Kanata ang naging kapitan, at nag-udyok sa kanyang mga kaklase na sundin siya. Gayunpaman, sila ay nakakita ng isang mysterious sphere at nagpasyang balewalain ang kanyang mga instructions. Isang mag-aaral ang lumapit at humawak sa sphere at bigla itong hinigop. Nakita ni Kanata ang panganib kaya't agad niyang inutusan ang lahat na e-reactivate muli ang kanilang mga helmet at tumakbo. Ngunit lumaki ang sphere at nilamon nitoang buong grupo. Natagpuan nila ang kanilang sarili na palutang-lutang sa kawalan ng kalawakan, at nakita nila ang abandonadong spaceship. Nang makapasok sila sa spaceship, napagtanto nila na si Aries ay nasa labas pa rin. Dahil naubos na ang fuel ng kanilang mga suits, alam nilang magiging delikado ang pagrescue dito. Ngunit ang salitang walang pag-asa ay nagpaalala kay Kanata sa mga huling salita ng kanyang guro, na nag-udyok sa kanya upang tulungan ito.

Gamit ang isang lubid, pumunta si Kanata sa kalawakan upang iligtas si Aries. Pilit inaabot nito ang kanyang kamay, ilang sentimetro lamang ang layo upang maabot nito ang kamay ni Aries. Ngunit siya ay napaatras at hindi sapat ang haba ng lubid. Sa kanyang desperasyon, inipon ni Kanata ang buong tapang at tinanggal ang lubid, at nagawa niyang makuha si Aries sa kanyang mga kamay. Lumutang ang dalawa palapit sa space ship, alam nyang hindi makakaabot ang kanyang fuel sa spaceship. Nang tila nawalan na ng pag-asa, nagkapit kapit ang kanyang mga kaklase upang iligtas sila. Pagdating sa barko, natuklasan nilang napadpad sila sa malayong lugar sa kalawakan. At kinakailangan ng tatlong buwan upang sila ay makabalik, pero mayroon lamang silang pagkain at tubig sapat para sa tatlong araw.

Dahil sa napakaimposibleng sitwasyon na ito, ibinahagi ni Kanata ang kanyang kuwentong tungkol sa nangyari sa kanilang camping, ito ang nagbigay inspirasyon sa grupo upang magtulungan.Nagpakilala ang grupo sa isa't isa, at nadiskubre ni Zack ang limang planeta kung saan sila ay mag stopover at makakapag-replenish ng kanilang mga suplay bago makabalik sa kanilang tahanan. Sa bahong pag-asa, nagkasundo sila na gawin si Kanata bilang kanilang kapitan at pinangalanan ang barko na Astra. Pagdating sa kanilang unang planeta, naghiwa-hiwalay ang mga miyembro ng Astra upang humanap ng pagkain at tubig. Natuklasan nila ang mga kakaibang halaman, tulad ng mga trampoline tree at parachute plant. Habang nag-eeksplor, nagpakita muli ang misterious sphere, ngunit sa pagkakataong sila ay nakatakas dito. Pagbalik sa Astra, tumaas ang tensyon nang bumagsak si Quitterie sa kalungkutan at nagalit sa kanyang kapwa miyembro Patuloy niyang binabanggit na ang kanyang kapatid na si Funicia ay ampon lamang.

Dahil dito, tumakbo palayo si Quitterie, na nag-udyok sa grupo na hanapin siya. Ibinahagi ni Zack na sila ni Quitterie ay magkaibigan mula pa noong bata pa sila at nagpaliwanag tungkol sa kumplikadong kasaysayan ng pamilya nina Funicia at Quitterie. Sa kanilang paghahanap, natagpuan ng grupo ang nawawalang si Funicia sa ibabaw ng isang trampoline tree, na biglang tumaas at na-trap sa taas nito. Biglang lumitaw ang isang winged beast, na nag-iikot sa paligid ni Funicia at itoy nakakatakot. Dahil sa kanyang protective instincts, tumakbo si Kanata at tumalon mula sa bangin patungo sa isang trampoline tree. Nang mapansin ni Kanata na papalapit na ang halimaw kay Funicia, sinibat niya ito ng javelin spear, na nagpabagsak sa halimaw. Ngayong ligtas na si Funicia, tumalon si Kanata sa kanyang kinalalagyan, ngunit bumigay ang kanyang lakas at siya ay nahulog. Naisipan ni Quitterie na magpalipad ng parachute flower upang masalo si Kanata bago ito mahulog sa lupa.

Humingi ng paumanhin si Quitterie sa buong grupo dahil sa kanyang pagkabigo na kontrolin ang kanyang emosyon. na-realize ni Kanata na hindi siya karapat-dapat na maging lider ng grupo dahil sa kanyang reckless action, iminungkahi niya si Charce na maging lider ngunit tumanggi ito at nanatiling maging second in command ni kanata. Sumang-ayon naman ang buong grupo at pinagtibay nila ang kanilang tiwala kay Kanata bilang lider. Pag-alis nila para sa susunod na planeta, tinawag ni Zack si Kanata at sinabi ang isang lihim. Na ang komunikasyon ng kanilang spaceship ay nasira, at naniniwala siya na isa sa siyam na miyembro ng kanilang grupo sumabotahe dito. Sinubukan ni Kanata na alamin kung sino ang sumira, ngunit dahil sa limitadong impormasyon tungkol sa bawat miyembro ng crew, nahihirapan siyang matukoy kung sino ang may kasalanan. Sa panahon ng kanilang imbestigasyon, ibinahagi ni Funicia ang isang misteryosong alaala.

Ang misteryosong lalaki na nag-ayos ng kanyang adoption para sa pamilya ni Quitterie, ay nagsabi na siya ay dapat na ilagay sa B-5 upang silang lahat ay mawala sa kanilang landas. Naisip ni Kanata na hindi sila napili ng walang dahilan at mayroong isang tao na gustong silang tapusin. Ang kanilang pangalawang stop over ay walang masyadong problema at nakakuha sila ng pagkain bago tumuloy sa susunod na planeta. Pagdating nila roon, natagpuan nila ang kanilang sarili sa isang paraisong karagatan at napakagandang tanawin. Sinubukan ni Luca na makipag-usap kay Ulgar, ngunit natakot itong malaman kung sino ang ama ni Luca. Nang gabing iyon, nagtipon-tipon ang grupo para sa isang piknik upang ipagdiwang ang kanilang paglalakbay. Bigla, lumitaw si Ulgar na may dalang totoong baril at itinutok ito sa ulo ni Luca. Nabigla ang crew members at hindi makapaniwala na si Ulgar ang kaaway na kanilang hinahanap.

Ibinunyag niya na hindi siya ang traydor at ang kanyang nakatatandang kapatid ay isang journalist na pinaslang ng ama ni Luca, at isang korap na politiko. Balak niyang patayin si Luca upang maghiganti, dahil siya ang tagapagmana ng kanyang ama. Gayunman, ipinakita ni Luca na hindi siya ang tagapagmana dahil siya ay ipinanganak na mayroong parehong lalaki at babae na kasarian. Bukod pa rito, siya ay ipinagwalang-bahala nang ipinanganak ang kanyang nakababatang kapatid na lalaki. Na-realized ni Ulgar na silang dalawa ay pawang mga inaayawan ng kanilang mga pamilya kaya't ibinaba niya ang kanyang baril. Biglaan, isang tsunami ang malapit ng tumama sa isla. Nakasakay naman kaagad sila sa astra nang ligtas, pero si Ulgar at Luca ay naabutan ng alon. Isinakripisyo ni Ulgar ang sarili para mailigtas si Luca, ngunit si Kanata ay parang bayani na iniligtas silang dalawa. Sa pag-alis nila sa planeta, humingi ng tawad si Ulgar kay Luca at nangakong babalik siya sa kanilang tahanan para imbestigahan ang pagkamatay ng kanyang kapatid.

Nagmungkahi si Zack na baka may nalaman na mas malalim na sabwatan ang kanyang kapatid kaysa sa korupsyon lamang, na maaring konektado rin sa dahilan kung bakit sila ay sinusubukang patayin at ipatapon sa kalawakan. Sa huli, nag-usap si Aries at Charce, ngunit napansin niya na may kakaiba sa kwento nito tungkol sa kanyang biology class. Kinumpronta ng grupo siya at inamin ni Charce na, tulad ni Aries, sya ay isang transfer student na dumating pagkatapos niya. Hindi niya ito binanggit dahil siya ay anak ng hari ng Vixia. Sa nakaraan, nakipagkaibigan si Charce sa isang commoner na babae na si Seira at dinala niya ito sa lugar ng mga maharlika. Nahuli ng isang gwardya si seira at itinulak mula sa gusali, na nagdulot sa kanya ng pagkaka-comatose. Sa huli, lumipat ang pamilya ni Seira sa ibang lugar at nagpasiya ring umalis si Charce, na sumumpa na mag aaral ng biology at pagalingin si Seira balang araw.

Naantig ang grupo sa kwento at sinabi ni Charce na si Aries ay nagpapaalala sa kanya kay Seira. Makalipas ang ilang oras dumating ang grupo sa sumunod na planeta. Ngunit isang malaking carnivorous plant ang sumalakay sa kanilang space ship, na nagdulot ng malaking pinsala na nagpahirap sa kanila na makaabot sa kalawakan. Inabisuhan sila ni Zack na kulang sila sa kagamitan upang magawa ang mga nasira sa ship, kaya't kailangan nilang tanggapin planeta bilang kanilang bagong tahanan. Pinamunuan ni Charce ang isang pangkat upang makahanap ng pagkain at natuklasan nila ang pangalawang spaceship na katulad ng Astra. Ininspeksyon ng grupo ang barko at napansin nila na ito ay lubhang sira at abandonado. Sa kanilang pagkabigla, natuklasan ni Zack na mayroong taong naka preserved na nasa loob ng hibernation pod ng spaceship sa nakalipas na 12 taon.

Binuksan nila ang pod at nakita ang isang batang babae.Sa paggising ng babae na si Paulina, ipinakilala niya ang kanyang sarili bilang isang astronaut mula sa Arc VI. Ang kanyang crew ay nag emergency landing sa planeta at nawala ang kanyang mga kasamahan sa paglilibot sa lugar. Kaya pumasok siya sa hibernation pod, na umaasa na mayroong magliligtas sa kanya balang araw. Ang kanilang misyon ay makahanap ng bagong planeta na katulad ng planet earth na angkop para sa tao. Nagkaroon ng ideya si Aries, na maari nilang maayos ang kanilang barko gamit ang mga bahagi mula sa Arc VI. Hindi sila nagsayang ng oras at nagsimula ang grupo sa pagkukumpuni ng space ship. Samantala, nakipag-usap si Yun-Hua kay Paulina at binigyan niya ito ng update sa kanilang kalagayan. Natuwa si Paulina sa balita ng pag-rerepair ng ship, ngunit sya ay nabigla nang malaman na ang kasalukuyang taon ay twenty sixty three.

Nang umalis na sila ng planeta, nagyaya si Kanata na magkaroon sila ng party upang ipagdiwang ang tagumpay. Ang conversation ay napunta sa pagkamangha ni Quitterie sa mga resulta ng blood sample test na ginawa nila upang mag-donate ng dugo kay Paulina. Nagtataka sya para sa kanya na magkatulad ang dugo niya at ng kanyang adoptive sister. Napansin ni Paulina na magkamukha sina Quitterie at Funicia, parang magkapatid na twins. Kaya't nagdesisyon si Zack na magpatupad ng DNA tests sa dalawa. At sa huli, ibinunyag ang nakakagulat na resulta. Si Quitterie at Funicia ay iisang tao. Matapos suriin ang impormasyon, na-realize ni Kanata kung bakit sila ipinadala sa kalawakan. Ang lahat sa team B-5 ay mga clone ng kanilang mga magulang. Ibinunyag ni Zack na ang kanyang ama ay isang scientist na nagreresearch ng teknolohiya para ilipat ang mga alaala mula sa isang tao patungo sa isa pang tao.

At dito, napatunayan ang masamang layunin ng kanilang mga magulang ay ilipat ang kanilang mga alaala sa isang clone upang mabuhay ng walang hanggan. Nabigo si Quitterie at narealize niya na ang kanilang paglalakbay sa kalawakan ay isang palusot lamang upang tapusin sila t hindi maaresto ang kanilang mga magulang dahil sa ilegal na cloning. Hindi pumayag si Kanata na patalo sila dahil sa mga nalaman na ito. Sa halip, nagbigay siya ng nakaka-inspire na talumpati upang tumaas ang moral ng mga ito. Sa mga susunod na araw, sinabi nila Zack at Quitterie na balak nilang magpakasal someday at nagkaroon sila ng isang celebration party. Bigla, lumitaw ang larawan ng kanilang planeta sa mga bridge monitor. Si Paulina ay pumasok na masaya dahil makakabalik na sya sa kanyang tahanan, ngunit natigilan ito nang malaman na hindi ito ang planetang Earth. Ngunit hindi alam ng grupo kung ano ang Earth at sinabi nila na papunta sila sa planeta ng Astra.

Kinumpara nina Paulina at ng mga kasama niya ang kanilang kaalaman tungkol sa kasaysayan ng kanilang mundo, kaya naman naguguluhan siya dahil sa mga maling impormasyon. Ikinuwento niya na may malaking asteroid na tatama sa Earth sa taong twenty fifty seven at mag wawipe out sa sanlibutan. At Nag-udyok upang magkaroon ng planetary expedition at maghanap ng mga bagong planeta na maaring tirahan ng mga tao. Sa unang tingin, imposible ang interplanetary immigration, ngunit ginawang posible ito dahil sa artificial wormholes, kaya ang lahat ng naninirahan sa Astra ay dating mga taga-Earth. Kinumpara ng grupo ang iba't ibang taon ng kanilang impormasyon at napag-alaman na mayroong itinatagong impormasyon. Sa mga susunod na araw, nag-isip si Kanata tungkol sa lahat ng nangyari mula nang unang maka encounter nila ang wormhole, at nagsimula siyang maghanap ng impormasyon tungkol sa traydor.

Dumalaw siya kay Aries, na may photographic memory, upang tulungan siyang maalala ng malinaw ang larawan ng mga pangyayari. Ang grupo ay nakarating sa huling planeta bago sila umuwi, kaya't pinaghiwalay nila ang mga grupo. Nanging magpartner sina Kanata at Aries, ngunit nang magkahiwalay sila, lumitaw ang isang artipisyal na wormhole at hinabol si Kanata. Dinala niya ito sa isang makitid na kweba, at naglaho ang wormhole nang nagkita sila ni Aries muli. Kinabukasan, ikinuweto ni Kanata ang kanyang encouter sa wormhole kina Zack at Charce, at humingi ng tulong upang mahuli ang salarin, at ito ay si ulgar. Ipinaliwanag niya na mayroon na siyang ginawang pagsira sa baril ni Ulgar, t kailangan lamang nila ng tulong ni Charce upang dalhin ito sa isang kweba kung saan haharapin nila ito. Sumunod si Charce sa mga tagubilin, ngunit biglang nag-abort ng misyon si Kanata.

Sinubukang umalis ni Charce, ngunit tinutukan siya ni Ulgar ng kanyang baril. Sinubukang bumaril ni Ulgar, ngunit hindi ito nakaputok dahil sa ginawang pagsira ni Kanata. At doon ay biglang lumitaw ang wormhole sa gitna nila at sabay silang lumayo dito. Dumating si Kanata at hinawakan ang kamay ni Charce, na siyang salarin. Kinuha nya ang device na nagkokontrol sa sphere, at biglang nagdatingan ang lahat, na pinapakitang si Charce lang ang hindi nakakaalam ng plano. Dahil na-cornered si Charce, inamin niya ang kanyang mga pag-sabotahe para mapigilan silang makabalik sa kanilang planeta, at natuklasan nilang sya ang clone ni Haring Noah. Ipinaliwanag ni Charce na huminto siyang tapusin ang iba, dahil ayaw niyang mangyari din ito kay aries na siyang clone din ni seira. Si Seira ay ang anak ni Haring Noah at prinsesa ng Vixia.

Sinabi nito ang totoo, na si seira ang tumulong na magpalaki kay Charce pero hindi sumang-ayon sa proyektong cloning. Si Aries ay ipinanganak nang hindi alam ang tungkol kay Seira, at upang maprotektahan siya sa isang nakatakdang kapalaran, itinakas ni Seira ito at ibinigay si Aries sa isang babae at manirahan ng normal na buhay. Ngunit si Seira ay na-assasinate sa huli, at nang dahil dito, ang misyon ni Charce na tapusin ang mga clone ay ang layunin ng kanyang buhay. Sinabi ni Charce na nais niyang iuwe si Aries at gawin siyang Prinsesa Seira, ngunit si Kanata ay galit na galit, at siyay kanyang sinuntok. Dahil sa kawalan ng layunin sa buhay, sinubukan ni Charce na gamitin ang isa pang artificial wormhole upang tapusin ang kanyang buhay, ngunit tumalon si Kanata upang iligtas siya.Gayunpaman, dumiretso ang wormhole patungo sa kanila, at nawalan si Kanata ng kanyang kanang braso. Kahit na nawalan ng braso, sinabi ni Kanata sa grupo na siya ay OK.Inilahad ni Charce ang buong sekreto ng Astra sa kanilang grupo.

Ipinaliwanag niya na totoo nga na may bumagsak na isang asteroid sa Earth kaya napilitang lumipat ang mga tao sa bagong planeta, ang Astra. Ang wormhole ang nagbigay ng koneksyon sa dalawang planeta at nagkaroon ng digmaan ang mga bansa dahil sa pakikipag-agawan sa lupain ng Astra. Subalit maling ginamit ang wormhole bilang sandata, kaya nabuo ang isang world government na nagpapatupad ng kapayapaan. Ang migration ay nangyari 100 taon na ang nakalipas, ngunit binago ng tao ang kasaysayan sa pamamagitan ng pagbabago ng timeline at paglalagay ng taon sa nakalipas na 100 taon. Gusto ng mga miyembro ng grupo na ipahayag ang katotohanan sa kanilang pagbabalik, ngunit alam nilang magiging delikado ito. Nagpasya silang payagan si Aries na sumulat ng liham sa kanyang ina, na siya namang magpapadala sa world government upang ilantad ang lahat ng tungkol sa kasaysayan at cloning. Pagdating sa orbit ng Astra, sila ay binati ng gobyerno at ipinaalam sa kanila na naaresto na ang kanilang mga magulang.

Nagdiwang ang mga mag-aaral at nagbalik-tanaw sa mga hamon na kanilang napagtagumpayan. Sa kanilang pagdating, nagtanong ang buong mundo sa kanila, at ibinunyag nila ang kasaysayan. Nagkagulo ang mundo, ngunit humupa nang mailabas ni Kanata ang kanyang best-selling book tungkol sa kanilang space adventures.Pitong taon ang naalipas sinusunod ng lahat ang kanilang mga pangarap, lalo na si Kanata na nagkaroon ng prosthetic arm at naglunsad ng bagong pakikipagsapalaran sa kalawakan kasama si Zack at Charce. hanggang dito nalang, maraming salamat sa panonood mga lods

Sharing is caring!

3 thoughts on “Ipinadala Siya sa Kalawakan ng Kaniyang Magulang Upang Siya ay Patahimikin | anime recap tagalog

Leave a Reply